Tiniyak ng Department of Agriculture na may sapat na supply ng manok sa buong Pilipinas hanggang holiday season.
Sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa na walang magiging problema para sa supply ng karne ng manok, na isa sa mga pangunahing binibili sa kapaskuhan at selebrasyon ng bagong taon.
Sa kasalukuyan aniya, mayroon pang mas mahigit sa 120 days na stock ng karne ng manok sa bansa.
Ang naturnag stock ay maaari pang umabot sa unang bahagi ng 2024.
Maliban pa ito sa patuloy na pagbuti ng stock sa Pilipinas dahil na rin sa lokal na produksyon.
Tiniyak naman ng ahensiya na ipagpapatuloy nito ang pagbabantay sa mga palengke sa buong bansa upang mamonitor ang supply at presyo ng ng karne ng manok sa mga pamilihan sa buong bansa.
Maalaalang bago nito ay tinanggal na rin ng DA ang mga poultry ban sa ilang mga bansa, kasama na ang mga unang inilatag na ban sa mga produktong karne ng manok na nanggagaling sa ilang estado ng US.