Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling sapat ang dami ng suplay ng isda sa bansa para sa darating na Semana Santa.
Ito ay sa kabila ng epekto ng malawakang pagkalat ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.
Kaugnay nito ay nagpahayag ng kumpiyansa si BFAR spokesperson Nazario Briguera na magiging sapat ang produksyon isda sa bansa matapos ang muling pagbubukas ng periodic closure sa mga palaisdaan.
Paliwanag niya, nasa peak season daw kasi ngayon ang mga fishing activity dahilan kung bakit inaasahan aniya mapupunan nito ang mataas na suplay ng demand ng isda sa darating na Mahal na Araw.
Aniya, bagama’t may iba’t ibang factors ang maaaring makaapekto sa local fish production sa bansa tulad ng malakawang oil spill mula sa lumubok na oil tanker ay hindi aniya nila nakikitang magkakaroon ito ng pangmalawakang kakulangan sa presyo ng isda.