-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) Region I na sapat ang supply ng bigas dito sa rehiyon ngayong nagsimula na ang tag-ulan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay NFA Regional Director Jaime Hadlocon, sinabi nito na mayroong 1.1 million bags ng imported rice sa mga bodega sa buong rehiyon kaya magiging sapat ito hanggang sumapit ang Disyembre.

Maliban pa rito, 217,000 bags din aniya ang nabili nila sa mga magsasaka.

Sa katunayan ayon kay Hadlocon, sobra-sobra ang imported rice na ito kaya problema nila kung maipamahagi ang mga ito.

Hindi naman aniya problema sa ngayon ang bukbok sa bigas dahil nakapagsagawa na sila ng fumigation sa mga ito.