Sinisi ng China ang US sa mga aksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea na inilarawan ng Beijing na lumalabag at mapanuksong mga hakbang.
Sinabi ni Mao Ning, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China, na ang umano’y paglabag at probokasyon ng Pilipinas ay pinalakas at suportado ng pakikipagsabwatan at suporta ng US.
Ang pahayag ni Ning ay kaugnay sa kamakailang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na humantong sa tensyon matapos harangan ng mga sasakyang-pandagat ng China ang landas ng isang bangka ng Pilipinas na naging sanhi ng banggaan.
Matatandaan na ang Pilipinas ay tumatakbo sa loob ng EEZ na kung saan inaangkin ng China na sarili nitong teritoryo.
Ayon kay Ning na mula pa noong simula ng taon, hayagang pinalalakas na ng US ang mga aksyon ng Pilipinas sa paglabag sa soberanya nito at sinusuportahan ang mga pagtatangka na ayusin ang grounded BRP Sierra Madre.
Aniya, ang pag-suporta ng US sa Pilipinas, na ginagawa para sa umano’y makasariling geopolitical interest ay nagdudulot ng panganib sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.