-- Advertisements --
samar2

Tiniyak ni PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Debold Sinas sa mga sumukong 36 na CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) fighters ang suporta ng gobyerno sa kanila ngayong handa na silang magbagong buhay at tuluyan nang iiwan ang armadong pakikibaka.

Ayon sa PNP chief, bibigyan ng tulong pinansiyal at livelihood assistance ng pamahalaan ang mga surrenderee sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) bilang suporta sa national program to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

“The continued surrender of these red fighters that has reached thousands now is a clear indicator of the trust and confidence in the government felt deeply by these NPA members who have openly narrated the deception and miserable experiences they suffered in the hands of their commanders,” pahayag ni Gen. Sinas.

samar3

Kahapon nang pinangunahan ni Sinas ang oath of allegiance sa 36 communist red fighters sa Samar sa pamamagitan ng simpleng seremonya.

Ang mga sumukong communist terrorists ay nagmula pa sa iba’t ibang guerilla fronts na kumikilos sa Eastern Visayas.

Iprinisinta naman ni Police Regional Office (PRO)-8 regional director, Pol. B/Gen. Ronaldo De Jesus, kay chief PNP ang nasa 29 assorted high-powered firearms, ammunition, at improvised explosive device components na isinuko ng mga rebel returnee.

Samantala, personal din kinausap ni Sinas ang isang amazona kung saan ikinuwento nito ang mga hirap daw na kanilang naranasan sa bundok.

samar1

Ibinunyag nito na siya ay “dropped out” sa eskwelahan matapos itong sumanib sa League of Filipino Students (LFS) at Gabriella hanggang siya ay naging full-fledge NPA red fighter noong kaniyang kabataan.

Kinumpirma rin nito kay Sinas na karamihan sa nire-recruit ng CPP-NPA ay mga out-of-school youths sa Samar-Leyte area.

Siniguro naman ni Sinas sa nasabing amazona na lahat ng tulong ay ibibigay ng gobyerno at tutulungan ding makabalik sa kaniyang pamilya upang makapagsimula ng bagong buhay.

Pinuri din ni Sinas ang PRO-8 sa kanilang kampanya laban sa insurgency.