-- Advertisements --

Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na ang paninindigan ng Germany na suportahan ang Pilipinas sa pagprotekta sa mga karapatan nito sa West Philippine Sea sa ilalim ng internasyunal na batas, gayundin ang bilyun-bilyong dolyar na halaga ng investment deal, ay nagpapatunay sa kahalagahan ng mga diplomatikong inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Binigyang-diin ni German Chancellor Olaf Scholz ang kahalagahan na mapanatili ang international laws, partikular ang freedom of navigation gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Binigyang-diin naman ni Pang. Marcos na ang Pilipinas ay nananatiling committed sa pagtugon sa isyu sa pamamagitan ng dialogo at konsultasyon at depensahan ang sobrenya ng bansa.

Inihayag ni Speaker Romualdez na malaking bagay para sa Pilipinas ang mga nakukuhang suporta sa mga kaalyadong bansa lalo at mas lalong nagiging agresibo ang China sa West Philippine Sea.

Sinabi ng House leader hindi lamang ang Germany ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas hinggil sa kinakaharap nitong isyu sa West Phl Sea.

Muling pinagtibay din ng Germany ang kanilang suporta sa pagbibigay ng kasanayan sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang patuloy na suporta sa capacity-building Philippine Coast Guard.

Lumagda din ang Pilipinas at Germany ng Joint Declaration of Intent para palakasin ang cooperation sa Maritime Sector sa pagitan ng Pilipinas at transport agencies.

Pinuri din ni Romualdez si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa pagkuha ng investment deals na nagkakahalaga ng $4 billion sa pagbisita nito sa Germany.

Ang investment deals kabilang ang tatlong letters of intent (LOI) mula sa ibat ibang German companies, dalawang memoranda of agreement, at tatlong memoranda of understanding (MOU).

Ang mga nakukuhang investment deals ng Presidente ay patunay sa dedikasyon ng Presidente na palaguin pa ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez na lalo na ngayon na nagiging interconnected na ang pandaigdigang ekonomiya, ang pag-akit ng mga dayuhang pamumuhunan ay pinakamahalaga sa pagmamaneho ng napapanatiling pag-unlad ng kaunlaran sa Pilipinas.

Ang matagumpay na negosasyon ni Pangulong Marcos sa Germany ay hudyat ng pagtitiwala ng internasyonal na komunidad sa potensyal at katatagan ng ekonomiya ng ating bansa.