-- Advertisements --
image 114

Inihayag ng isang agicultural sector stakeholder na bagamat stable o matatag ang suplay ng itlog sa bansa ay inaasahang tataas pa rin ang presyo nito.

Ginawa ni Livestock under the Philippine Council for Agriculture and Fisheries chairperson Arnulfo Frontuna ang naturang pahayag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food.

Paliwanag ng stakeholder na ang inaasahang pagtaas pa ng presyo ng mga itlog ay dahil sa mataas na cost ng inputs.

Ayon kay Frontuna patuloy na tumataas ang presyo ng mais, soya at iba pang feed ingredients.

Maliban pa dito, ang problema sa transportsyon ay nakakaapekto rin sa mga suplay dahil may mga lokal na pamahalaan na ipinagbabawal ang pag-transport ng poultry products dahil sa pangamba na may dalang sakit ang mga ito gaya ng bird flu.

Bagamat nauunawaan naman aniya ang concern na ito ng LGUs dapat aniya na maglatag ng angkop na mga hakbang para matugunan ang problema sa supply chain.

Maaalala na simula pa noong nakalipas na taon ang presyo ng mga itlog sa bansa ay patuloy na nagmamahal kung saan isinisisi ng mga producer ito sa mataas na cost ng feeds.