-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture na magiging stable ang suplay ng bigas hanggang sa susunod na harvest season sa buwan ng Marso o Abril 2024.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, na mayroong stable na local production ng bigas ang bansa na inaasahan na aabot ito ng kabuuang 20 milyon metric tons bago magtapos ang taong ito.

Magugunitang nag-import ang bansa ng 295,000 metric tons ng non-basmati white rice mula India at ang inisyal na 95,000 metric tons ay darating sa bansa ngayong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroong 3.03 milyon metric ton ng mga imported na bigas ang bansa mula pa noong Nobyembre.