-- Advertisements --
Bigas

Inaasahang tataas sa 1.4 million mteric tons ang suplay ng bigas ngayong Setyembre kasabay ng pagsisimula ng anihan ng mga magsasaka.

Ayon kay Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, ilang mgasasaka ang piniling mag-ani ng maaga ay mayroong sapat na suplay para mapunan ang lokal na demand.

Saad pa ng opisyal na inaasahang hanggang sa Oktubre mayroong sapat na suplay ng bigas kung saan maaaring mag-angkat din ng bigas upang makumpleto ang kailangang suplay.

Sa pinakahuling datos ng DA, lumalabas na ang presyo ng local commercial rice sa mga palengke sa Metro Manila ay pumapalo sa P40 hanggang P66 kada kilo habang ang imported commercial rice naman ay mabibili sa presyong P45 hanggang P60 kada kilo depende sa klase.

Top