-- Advertisements --

MANILA – Naturukan na rin ng bakuna laban sa coronavirus (COVID-19) ang tinaguriang “Superstar” ng Philippine cinema na si Nora Aunor.

Batay sa online post ng Eastwood City, makikitang naka-pose ng “thumbs up” ang 68-year old award-winning actress habang nasa harap ng tarpaulin.

“The one and only Superstar and Walk of Fame inductee Ms. Nora Aunor gets her jab at Eastwood City’s vaccination center,” nakalagay sa post.

Nitong May 21 nang magdiwang si Nora ng kanyang 68th birthday. Ibig sabihin, pasok siya sa kategoryang A2 o mga senior citizen.