Ibinahagi ni supermodel Naomi Campbell ang paraan niya kung paano maging malinis ang kapaligiran.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng video kung saan pinupunasan niya ang lahat ng mga malapit sa kaniya gaya ng upuan sa eroplano.

Nakasuot pa ito ng hazmat suit na may googles, face mask at pink latex gloves habang nasa Los Angeles International airport.

Ang supermodel ay matagal ng nagsusulong ng pagiging germ-free ng isang tao habang ito ay bumbiyahe.