-- Advertisements --
Nagpapatupad na ng purchase restrictions ang supermarkets sa Australia dahil sa kakulangan sa suplay ng itlog, ang latest item sa bansa na apektado ng supply-chain shortages.
Ang current egg shortage ay iniuugnay sa pag-shift ng bansa sa free-range eggs, mataas na production costs, masamang panahon, at pandemic.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede direkta sa Sydney Australia, sa winter, madalas na may slight decrease sa produksyon sa free range farms dahil sa mas kaunting sunlight hours.
Nakakabawi naman umano ang farmers ngunit dahil sa Covid-19 pandemic, hindi na umano mahuhulaan ang demand sa itlog, dahilan rin sa shortage.
Kasabay ng shortage na ito ang pagtaas rin ng cost of living at inflation sa buong Australia.