-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni supermodel Tyra Banks matapos na mapiling host ng “Dancing with the Stars”.
Sa kaniyang social media account, inilibas ng top model at TV personality ang kaniyang kasiyahan.
Sabik na rin itong maibahagi ang kaniyang galing sa hosting.
Mula pa noon aniya ay pinapanood na niya ang ang nasabing show.
Inanunsiyo ang nasabing paghost ni Banks matapos ang pag-alis na ni Tom Bergeron na host ng show sa loob ng 15 taon at co-host nito na si Erin Andrews.