-- Advertisements --

Sinamantala ng Phoenix Super LPG ang kawalang ng import ng Rain or Shine matapos magwagi sila 114-106 sa kanilang paghaharap sa 2023 PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Hindi kasi pumasa sa height limit ng PBA ang import ng Rain or Shine na si Jordan Tolbert na mayroong 6’6″1/8.

Si Tolbert ay ipinalit sa import ng Rain or Shine na si Greg Smith II dahil sa injury.

Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at limang talo ang Phoenix habang mayroong dalawang panalo at pitong talo ang Rain or Shine.

Hawak pa ng Rain or Shine ang kalamangan sa unang bahagi ng first quarter hanggang nakalamang ang Phoenix ng 23 points sa pagtatapos ng first half.

Nagtala ang import ng Super LPG na si Du’vaughn Maxwell ng 15 points, 13 rebounds, limang steals, limang blocks at apat na assists.