(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Malaki ang paniniwala ng pulisiya na bahagi ng gun for hire si Joseph Maulas na siyang itinuturong suspek sa pagbaril-patay sa pulis na si S/Sgt. Rio Tibang, 39, sa Purok 6, Upper Rancho Bangahan, Pangantucan, Bukidnon.

Sinabi ni Bukidnon Provincial Police Office (BPPO) spokesperson Capt. Jeselle Longgakit na marami silang anggulo na tinitingnan sa pangyayari ngunit ang pinakamalapit nito na isang gun for hire ang suspect.

Ayon kay Longgakit nahaharap na rin si Maulas sa kasong pamamaril sa nakalipas na buwan.

Aniya, maliban sa Pangantucan police ay may iba na ring team na inatasang tutulong para sa agarang pagkahuli sa suspek.