-- Advertisements --

Nagdadalamhati ngayon ang actress na si Sunshine Dizon dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang ama na si Isagani Bengson Dizon Jr.

Sinabi nito na mapayapang pumanaw ang ama sa kaniyang pagtulog.

Humingi ito sa mga fans ng pagdarasal para sa kaniyang dalawang kapatid at pamilya na mabigyan ng lakas ng loob dahil sa pinagdadaanan.