Bakas kay Sunshine Cruz ang kanyang excitement hinggil sa papalapit na raw niyang paggaling.

Walang direktang nabanggit ang 43-year-old actress kung ano ang kanyang karamdaman, ngunit siya aniya ay “16/14” na mula sa kanyang pag-isolate sa bahay.

Ayon sa dating misis ng artista ring si Cesar Montano, naging lakas nito sa pagpapagaling ang phone at video call ng kanilang “tres Marias.”

Masuwerte pa aniya siya dahil nasa bahay lang siya nagpapagaling, kompara sa iba na naka-confine talaga sa ospital.

Dagdag nito, mas kaya na niya ang nararamdamang sakit ng ulo at pananakit ng katawan.

“I know I am on my way to recovery. Headache, body pain is now more tolerable, cough is not as worse, my sense of taste and smell have improved. I thank God everyday for I am slowly getting better. 🙏🏻”