Nagtala ng record ang Phoenix Suns stars na sina Chris Paul at Devin Booker sa may pinakamaraming puntos na naitala sa dalawang larong nagdaang sa NBA Finals laban sa Milwaukee Bucks.
Sa dalawang naunang NBA Finals kung saan naipanalo parehas ng Suns ay mayroong 113 points ang sumatotal na naitala nina Paul at Booker.
Nahigitan nila ang nagawang 106 points ng tinaguriang Splash Brothers ng Golden State Warriors na sina Stephen Curry at Klay Thompson ng ma-sweep nila ang Cleveland Cavaliers noong 2018.
Ang Suns din ang siyang pangatlong koponan sa kasaysayan ng NBA na nakagawa ng mahigit 20 three-pointers sa NBA Finals games.
Unang nagawa ng Cavaliers noong 2017 at Warriors noong 2019.
Nakuha ng Suns ang dalawang magkasunod na panalo sa Game 1 at Game 2 sa kanilang home court at sa Game 3 naman gaganapin sa home court ng Bucks.