-- Advertisements --
download 8

Bigo pa ring maipanalo ng Phoenix Suns ang naging laban nito kontra Oklahoma City Thunder.

Maalalang kagagaling lamang ng Suns sa pagkatalo mula sa Los Angeles Lakers, sa pamamagitan ng tatlong puntos noong araw ng Sabado.

Sa naging banggaan naman nito sa Thunder, nagbuhos ang Thunder ng 111 points kontra sa 99 points ng Suns(111 – 99).

Hindi umubra ang 28 points 9 rebounds ni Kevin Durant, kasama ang 15 points 8 rebounds ni Bradley Beal.

Ito ay dahil na rin sa magandang opensa ng Thunder kung saan 35 big points ang ibinuhos ni Shai Gilgeous Alexander, kasama ang pitong rebounds. Nag-ambag naman ng 31 points si Jalen Williams habang ang rookie na si Chet Holmgren ay nagbuhos ng 18 points.

Sa lahat ng aspeto ng opensa, namayani ang Thunder sa kabuuan ng game: 495 ang overall field goal percentage nito habang 38% lamang sa Suns.

Sa 3-pt range, 37% ang nagawa dito ng Thunder habang 315 lamang sa Suns.

Gayonpaman, nagpakita naman ang Phoenix ng magandang depensa. Umagaw ito ng 52 rebounds habang 33 lamang ang nakuha ng Thunder.

Pero sa kabila ng magandang depensa, umabot naman sa 17 ang turnover ng Suns habang pito lamang ang nagawang turnover ng Oklahoma.