Nanguna ang Phoenix Suns sa listahan ng mga NBA teams sa Western Conference na sasabak sa Playoffs.
Habang nangibabaw naman ang Miami Heat sa mga koponan sa Eastern Conference teams.
Sumunod sa Suns ang Memphis Grizzles habang pumangatlo ang Golden State Warriors at pang-apat ang Dallas Mavericks.
Nasa pang-limang puwesto ng Eastern Conference team ang Denver Nuggets pang-anim ang Utah Jazz.
Kasalukuyang nasa play-ins ang mga koponan para makapasok sa top 8 playoffs ng western conference ang Los Angeles Clippers, New Orleans Pelicans, Minnesota Timberwolves at San Antonio Spurs.
Tiyak na rin sa pagpasok sa eastern conference playoffs ang Boston Celtics, Milwaukee Bucks, Philadelphia 76ers, Chicago Bulls at Toronto Raptors.
Habang nasa play-in teams naman ang Cleveland Cavaliers, Atlanta Hawks, Charlotte Hornets at Brooklyn Nets para malaman kung sila ay pasok sa final 8 na maglalaro sa Eastern Conference.