-- Advertisements --

NAGA CITY-Pumalo sa 480,000 pesos ang halaga ng pinsala na iniwan ng sunog na sumiklab sa C.M. Recto St., Pantoc, Brgy. 9, Lucena City.

Kinilala ang mga nasunugan na sina alyas Teofilo, 41-anyos; alyas Lorena, 66-anyos; at alyas Edrian, lahat residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bandang alas-9:30 ng gabi nang nakita ni Lorena na nasusunog ang isang lumang abandonadong bahay.

Hindi nag-tagal, nadamay na rin ang bahay ng tatlong biktima at tuluyan nang natupok ng sunog.

Bandang alas-10:58 naman ng kaparehas na gabi ng maideklara na fire out an nabanggit na sunog.

Sa kabilang panig, kinakalkula na nasa humigit-kumulang 150,000 pesos ang na-rehistrong pinsala sa bahay ni Teofilo, humigit-kumulang 180,000 pesos naman sa bahay ni Lorena, at humigit-kumulang 150,000 pesos naman sa bahay ni Adrian, sa kabuuang 480,000 pesos na pinsala.

Pinapasalamat naman ng mga awtoridad na walang nadamay na buhay sa nabanggit na insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon tungkol sa nabanggit na insidente.