-- Advertisements --
NAGA CITY- Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Brgy Sapaan Atimonan, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na ang pinagmulan ng sunog sa bahay na pagmamay-ari ni Evelyn Las Piñas Banga ay dahil sa tinatawag na faulty wiring.
Sa kabila nito, agad ring rumesponde ang BFP-Atimonan upang matagil ang apoy at wala ng madamay pang bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid rin na umabot sa humigi’t kumulang P360,000 ang pinsala na iniwan ng nasabing sunog.
Samantala, wala naman nairehistrong casualty sa insidente at wala rin nadamay na iba pang kabahayan.