-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang dahilan sa likod nang pagkasunog ng Saint-Pierre-et-Saint-Paul cathedral na matatagpusan sa Western city ng France.

Nangyari ang insidente makalipas ang isang taon matapos masunog Notre Dame Cathedral sa Paris na siyang greatest architectural treasure ng bansa.

“The damage is concentrated on the organ, which appears to be completely destroyed. The platform it is situated on is very unstable and risks collapsing,” paliwanag ni fire service chief Laurent Ferlay.

Mahigit 100 bumbvero ang nagtulong-tulong upang kaagad na maapula ang apoy at hindi na kuamlat pa sa mas malaking bahagi ng simbahan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasira ang naturang cathedral. Napinsala ito noong World War II at noong 1972.