-- Advertisements --

real1

Nagmula sa engine room ng barkong MV Mercraft 2 ang apoy na naging dahilan sa pagkasunog ng fastcraft kaninang alas-5:00 ng umaga sa katubigan ng Real, Quezon na ikinasawi ng pitong indibidwal habang nasa 120 naman ang narescue.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, batay sa nakuha nilang inisyal report, sa engine room ng barko nagsimula ang apoy.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG), kung ano ang naging sanhi ng apoy.

Siniguro naman ni Commodore Balilo na hindi sila titigil sa paghahanap sa apat na nawawalang indibidwal.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation.

Liban sa PCG, tumutulong din sa SAR operation ang iba pang mga RoRo vessels na nasa lugar.

As of 11 AM update naman ng PCG patungkol sa sitwasyon ng 134 pasahero at crew, nasa 120 ang nailigtas kung saan 23 ang sugatan habang tatlo ang kritikal.

Sumatotal, 124 ang mga pasahero at 10 crew ng MVMERCRAFT 2 na sa ngayon ay na-itow na patungong Baluti Island, Bgry Cawayan, Real, Quezon.

As of 10 am idiniklarang fire under control na.