-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa North Korea ang isang sundalo ng US matapos ang iligal na pagtawid sa nasabing bansa.

Si Private 2nd Class Travis King ay nasa kustodiya na ng mga otoridad sa North Korea.
Una ng sinamahan palabas sa bansa dahil sa disciplinary reason.

Subalit nalusutan nito ang mga airport security at nakalabas ito ng terminal bago dumating ang border tour.

Aabot kasi sa mahigit 28,000 na mga sundalo ng US ang nakatalaga sa South Korea na ito na ang pangatlong may pinakamaraming presensya ng foreign military kasunod ng Japan at Germany.

Ang South Korea rin ay itinuturing bahay ng pinakamalaking US overseas military base.