Sugatan ang isang sundalo sa panibagong engkwentro sa probinsya ng Sulu kaninang alas-8:44 ng umaga.

Ayon sa report ng militar nagsasagawa ng combat patrols ang mga operating units ng 69th Infantry Battalion sa may bahagi ng Indanan, Sulu ng makasagupa ng mga sundalo ang nasa 20 miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Nakilala ang sugatang sundalo na si PFC Salonga.

Nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operations ng mga sundalo sa mga nakasagupang Abu Sayyaf members.