-- Advertisements --
Umuwi na ang nasa 250 sundalo ng Ukraine na nagsilbi bilang United Nation peacekeeping force sa Democratic Republic of Congo.
Layon ng kanilang pag-uwi ay para tulungan ang ibang sundalo na ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa pananakop ng Russia.
Isinakay ang mga ito sa walong helicopter.
Mula pa noong Pebrero ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay tinanggal na nila ang kanilang mga sundalo mula sa ibang mga UN peacekeeping misisions kung saan ang mga ito ay nakatalaga.