-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nahuli ng mga otoridad ang isang sundalo sa anti-drug operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Corporal (CPL) Mark Macasarte,34 anyos,may asawa at residente ng Brgy Bual Norte Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel Miridel John Calinga na ni-raid nila ang tahanan ng suspek katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP-Special Action Force.

Nakuha mula sa suspek ang 50 pakete ng shabu, granada, tatlong magazines ng M-16 rifle, isang 9mm pistol at mga bala.

Ayon kay Calinga, ang nahuling suspek na si Macasarte ay isang dating sundalo na natanggal sa tungkulin matapos masangkot sa iligal na droga.

Dati na rin aniya itong nakulong pinagbabawal na droga ngunit nakapagpiyansa at nakalabas.

Matagal nang minamanmanan ng Midsayap PNP si Macasarte na sangkot sa large scale illegal trade.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Midsayap PNP at nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.