CAGAYAN DE ORO CITY – Matapos ang dalawang taon, nahukay na ng militar ang mga buto ng tatlong biktima ng summary killing na kagagawan umano ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon.
Sinabi 10th Infantry Division spokesperson Capt Jerry Lamosao na kanilang natumbok ang lokasyon na pinaglibingan kina Joel Rey Galendez, retiradong pulis; Dionisio Camarullo Havana, tribal leader sa San Francisco, Agusan del Surl; at Army Sgt. Reynante Havana España.
Ito’y sa pamamagitan ng sumukong miyembro ng NPA na kabilang ng Komiting Rebolusyonaryo sa Municipalidad.
Ayon kay Lamosao, dinukot ang mga biktima noong Agosto 22, 2017, sa isang checkpoint na isinagawa ng mga armadong grupo sa Kalagangan, San Fernando, Bukidnon.
Dagadag pa ni Lamosao na sinaksihan pa mismo ng pamilya ng mga napatay ang paghukay sa mga buto sa naturang lugar.