-- Advertisements --

Nagretiro sa paglalaro ang tinaguriang greatest champion ng sumo wrestling na si Hakuho.

Ayon sa 36-anyos na wrestler na patuloy pa rin niyang iniinda ang kaniyang injury sa tuhod.

Makailang beses na siyang nabigyang ng warning dahil sa hindi ito nakakapaglaro bunsod ng kaniyang injury.

Nagsimula itong maglaro ng sumo wrestling mula ng lumipat ito sa Japan mula sa Mongolia noong ito ay edad 15 pa lamang.

Mayroong mahigit 1,000 panalo ang kaniyang naitala.

Nagsimula itong maglaro ng wrestling noong 2001 at napromote bilang yokozuna matapos ang anim na taon.

Nakilala siya sa kakaibang pag-atake niya sa kalaban kung saan maraming humanga sa kanya.