-- Advertisements --
cropped Baguio City 4

Asahan ang dry spell o tagtuyot sa Summer Capital of the Philippines – ang Baguio City.

Ito ay batay sa pagtaya ng state weather bureau, kung saan, posibleng magsisimula ito sa darating na buwan ng Nobiembre.

Ayon sa weather bureau, ito ay dahil pa rin sa epekto ng El Nino na una nang nagsimula sa bansa.

Ibig sabihin, makakaramdam ang mga residente at mga turista sa lungsod, ng mainit na temperatura at kawalan ng mga pag-ulan, at posibleng magtatagal ito hanggang sa susunod na taon.

Una nang inanunsyo ng weather Bureau na maaari itong magsimula sa Oktubre, ngunit dahil sa mga magkakasunod na mga pag-ulan na dulot ng Habagat ay naantala ang naturang phenomenon.

Sa likod nito, maaari pa rin umanong magkaroon ng malalakas na pag-ulan sa buong lungsod, lalo na sa pagpasok ng buwan ng Oktubre.