Nagbabala ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng pagkakaroon ng mga suicide bombing sa bansa.

Ayon kay NICA Director-General Alex Paul Monteagudo na patuloy pa rin ang ginagawang recruitment ng mga terorista.

Pawang mga kabataan na may edad 10 hanggang 12 ang kinukuha ng mga terorista para maging kasapi nila.

Unang naitalang suicide bombing sa bansa ay noong July 2018 sa Basilan at ito ay naulit noong Enero 2019 sa simbahan sa Jolo, Sulu.

Sang-ayon naman ang NICA sa muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao para agad na mabantayan ang seguridad.