Pinayagan nang makauwi sa kanilang bahay si Sudan Prime Minister Abdalla Hamdok, isang araw matapos siyang pigilan ng militar ng bansa at inagawan ng kapangyarihan sa pamamagitang ng kudeta.
Pinalaya si Hamdok at asawa nito kasunod ng malawakang pagkondena sa pangangamkam ng kapangyarihan ni General Abdel Fattah al-Burhan.
Nagbanta rin ang Estados Unidos na sususpindihin nito ang tulong, habang ang European Union ay nagbanta na gagawin din nila ito.
Inatasan din ni UN Secretary-general Antonio Guterres si al-Burhan na palayain si Hamdok at hinihimok nito ang mga world leaders na magkaisa upang harapin ang tinatawag niyang “epidemya ng mga kudeta.”
Magugunitang nagpaliwanag si Sudan’s coup leader al-Burhan na kaya nila isinagawa ang pag-agaw sa gobyerno ay para maiwasan ang “civil war.”