-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang substitute bill para sa panukalang batas na naglalayong makapagbigay ng libre at culture-sensitive na civil registration system para sa indigenous peoples.

Sa pulong ng komite, inaprubahan nila ang substitute bill para sa House Bills No. 1332 at 2812 o ang “An Act Providing for a Free and Culture-Sensitive Civil Registration System for Indigenous Peoples.”

Sa ilalim ng House Bill No. 1332 na inihain nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas; Bayan muna party-list Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Isagani Zarate, at Ferdinand Gaite; ACT Teacehers party-list Rep. France Castro; at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, iminumungkahi nilang magkaroon ng civil registration system ana unique sa kultura at tradisyon ng mga IPs.

Inaatasan nila ang Philippine Statistics Authority (PSA) na i-redesign ang civil registry forms nito upang sa gayon ay makamit ang mga objectives ng panukala at para gawing akma rin ito sa mnga umiiral na batas at sistema sa civil registry.

Kabilang na sa mga pagbabagong kailangan gawin anila ng PSA ay ang gawing libre ang pagbabayad sa pagpapatala ng IPs ng kanilang kapanganakan, pagpapakasal at pagkamatay, pati rin sa notarial fees at documentary stamp.