CAUAYAN CITY – Pinaiimbestigahan ng gobernador ng Nueva Vizcaya ang kaso ng bumagsak na bahagi ng dike sa bayan ng Bambang kamakailan kung saan dalawang bata ang nasawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo inamin ni Gov. Carlos Padilla na dati na niyang inilapit kay Public Works Sec. Mark Villar ang flood control project para masuri kung anong mga gamit ang ginamit sa paggawa nito.

Naghihinala kasi ang gobernador na substandard o mahina ang klase ng gamit sa proyekto.

Kamakailan nang masawi ang magkapatid na sina Justin at Kevin Yadao sa gilid ng ilog matapos mabagsakan ng bahagi ng dike.