-- Advertisements --
image 389

Inaasahang bibisita sa ating bansa ang ilang miyembro ng Subcommittee on Human Rights ng European Parliament ngayong linggo bilang bahagi ng “open and regular engagement on human rights” ng Pilipinas at European Union.

Ito ay matapos na tanggapin ng Pilipinas ang request ng naturang subcommittee na bumisita sa ating bansa mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 24.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, pangungunahan ng anim na miyembro ng European Parliament ang naturang delegasyon na magtutungo sa Maynila.

Kabilang sa kanilang schedule ay ang pagsasagawa ng courtesy call kasama sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Bukod dito ay makikipagdayalogo rin ang mga ito sa mga executive agencies sa Pilipinas.

Sa kanilang pagbisita ay nakatakda rin silang makipagpulong sa kanilang mga counterpart sa Senado at House of Representatives upang makipagtalakayan patungkol sa kanilang mga pananaw pagdating sa “best practices at legislation”.