Inirerekomenda ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na magkaroon ng structural reforms sa PhilHealth para matulungan ang bagong talagang chief nito sa pagtugon sa matagal nang issue sa korapsyon at mismanagement sa loob ng state health insurer.
Sa kanyang 33-pahinang report sa state health insurance system, sinabi ni Salceda na apat na areas ang nangangailangan ng reporma sa PhilHealth: reserve fund management, collections, claims at benefits, at governance.
Mariing pinabulaanan din ni Salceda, na isang dating banker at top equities analyst, ang claims na aabot sa P90 billion ang mawawala sa PhilHealth ngayong taon dahil sa declining premiums at increasing na claims.
Totoo aniyang malaking halaga ang mawawalang pera sa PhilHealth ngayong taon, pero base sa findings ng kanilang pag-aaral sa financial reports ng ahensya, malayong umabot ito ng hanggang P90 billion.
Sa katunayan, P5.99 billion ang nawala sa PhilHealth sa unang anim na buwan ng 2020, na maituturing aniyang “acceptable loss” dahil na rin sa sitwasyon ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“If they are to lose P90 billion this year, that would mean they will face an P84 billion shortfall for the rest of the year. This is simply not happening, given their own financial history,” ani Salceda.
Kaya naman balak ni Salceda na maghain ng isang komprehensibong reform bill para sa PhilHealth.
Sa halip na magsantabi ng pondo mula sa gross collections, inirekomenda ng kongresista na manggaling sa accumulated earnings ang reserve funds, at ang Bureau of Treasury ang siyang mag-manage nito.
“What we found is that the reserve fund has been shrinking despite Philhealth being in the green for several years. As a result, investment income, which can increase the people’s health benefits, are also declining,” ani Salceda.