Muli na namang nasampulan ang ilang mga pasaway na motorista kaninang umaga sa QC at nakatanggap ng ticket mula sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Strike Force.
Ilan sa mga sasakyan ng mga motorista ay pinaghahatak kasabay ng operasyon.
Kabilang sa mga kinastigo ay ang mga sasakyan na nakahambalang sa daan at ilegal na nakaparada sa kahabaan ng C.P. Garcia .
Ang daan na ito ay nagsisilbi kasing alternate route ng mga motorista.
Kanima ay isang jeep ang nasampulan dahil pumarada ito sa harap mismo ng isang ‘no parking sign.’.
Nagawa pa nito na makipagtalo sa mga tauhan ng MMDA at sa huli ay umamin na nakadalawang beses na rin palang na-tow.
Sinabi naman ng MMDA Strike Force Head Gabriel Go na patuloy silang magsasagawa ng ganitong operasyon upang mabawasan ang trapiko sa alinmang lugar sa Metro Manila.