-- Advertisements --

Hinikayat ni Deputy Speaker Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte na personal na dumalo sa nakatakdang impeachment trial sa Hulyo 6 upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Ortega, bagama’t duda siyang dadalo ang bise presidente dahil sa mga nauna nitong pagliban sa mga pagdinig ng Kongreso, ang impeachment trial ang tamang pagkakataon upang maipaliwanag ang kanyang panig.

Sinabi rin niyang matagal nang naghihintay ang publiko ng mga sagot kaugnay ng mga isyung ibinabato laban kay Duterte.

Iginiit ni Ortega na handa na ang House prosecution panel na iharap ang kanilang mga ebidensya at testigo sa pagsisimula ng paglilitis.

Nahaharap si Duterte sa apat na articles of impeachment kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol, at grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Nakatakdang magsimula ang impeachment trial sa Senado sa Lunes, July 6.