Nagbigay ng pahintulot ang Civil Service Commission (CSC) sa Department of Education (DepEd) na mag-hire ng 10,000 non-licensed school counselors upang tugunan ang kakulangan ng guidance counselors sa bansa.
Ang mga bagong posisyon ay tatawaging School Counselor Associate I, na maaaring punan ng mga nagtapos ng psychology, behavioral science, o guidance and counseling kahit walang PRC license basta’t may 200 oras na training.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ito ay bahagi ng pagpapatupad ng RA 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na layong palakasin ang mental health support sa mga paaralan.
Nakalaan na ang P2 bilyon sa 2026 national budget para sa mga posisyon, ngunit naantala ang implementasyon dahil sa hinihintay na guidelines mula sa CSC at DBM.
Inaasahan na magsisimula ang unang batch ng mga counselor associates ngayong taon upang agad matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.















