BAGUIO CITY – Inihayag ni Mayor Romeo Salda na kaselado na ang Strawberry Festival 2020.

Ipinaliwag niyang ito ang naging desisyon ng mga opisyal ng bayan at napag-usapang sa susunod na taon na lamang idaraos ang pestibidad dahil sa banta ng novel coronavirus.

Sinabi pa ng alkalde na suspendido na rin ang mga tourism activities ng La Trinidad at iba pang malalaking aktibidad na makakaakit ng maraming taon.

Gayunpaman, iginiit ng alkalde na hindi naka-lockdown ang La Trinidad, Benguet.

Ang Strawberry Festival ay isang tanyag na pestibidad na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista, kung saan nagiging tampok ang Giant Strawberry Cake.

-- Advertisement --

Samantala, suspendido ang lahat ng nakalinyang bahagi ng ika-25 Founding Anniversary at 4th Bodong Festival ng lalawigan ng Kalinga dahil din sa epekto ng coronavirus.