-- Advertisements --

Humaharap ngayon sa environmental crisis ang isla ng Mauritius matapos magdulot ng oil spill ang isang stranded na bulk carrier at unti-unting nasisira ang tanyag nitong blue lagoon.

Aminado si fishing minister Sudheer Madhoo na hindi handa ang naturang lugar sa mga ganitong problema dahil ito umano ang kauna-unahang beses na nangyari ito.

“We are in an environmental crisis situation,” saad ni environment minister Kavy Ramano.

“The public in general, including boat operators and fishers, are requested not to venture on the beach and in the lagoons of Blue Bay, Pointe d’Esny and Mahebourg.”

Ang MV Wakashio, isang Japanese-owned at Panama-flagged bulk carrier, ay namataan ng mga otoridad na may crack halos dalawang linggo na makaraang ma-stranded ito sa nasabign karagatan habang may lulan na 4.000 toneladang fuel oit at 200 tonelada na diesel.