
Mistulang apektado rin ng mainit na usapin sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ang share of stocks ng ABS-CBN Holdings Corporation.
Sa midday trading ng main index, bumulusok ang stocks nito sa 3.75 percent.
Habang 2.35 percent naman ang naging pagbaba para sa ABS-CBN Convergence Inc. na subsidiary ng media network.
Nagkaroon pa ng isang oras na “trading halt” para sa nasabing kompaniya.
Una rito sa statement ng TV network, iginiit nito na walang basehan ang mga alegasyon ng Office of the Solicitor General.
“Sumusunod ang ABS-CBN sa mga batas kaugnay ng aming prangkisa at aprubado ang operasyon namin ng mga kaukulang sangay ng gobyerno. Aprubado, may permiso ng gobyerno, at hindi labag sa franchise ang lahat ng mga serbisyo namin sa broadcast, kasama na ang KBO. Masusing sinuri at inaprubahan ng Securities and Exchange Commission at Philippine Stock Exchange ang Philippine Deposit Receipts o PDRs ng ABS-CBN Holdings bago ito inialok sa publiko.”










