-- Advertisements --
Tinanggalan ng kaniyang WBC at WBO world super featherweight belt si Shakur Stevenson.
Kasunod ito sa bigong maka-abot ng 130 pound limit para sa nakatakdang laban nito kay Robson Conceicoa sa New Jersey.
Si Stevenson na isang Olympic silver medalist at dating featherweight world champion ay tumimbang ng 131.6 pounds.
Binigyan pa ito ng dalawang oras para mabawas ang labis na timbang subalit hindi na nito nakayanan.
Sinabi nito na sumuko na siya sa pagbawas ng timbang dahil sa buong career niya ay nakakayanan niya ang timbang subalit hindi na kaya ang katawan nito.
Sakaling manalo si Stevenson sa laban ay idedeklara ang world title na WBC at WBO World super featherweight.