-- Advertisements --

Tinalo ni dating two-division champion Shakur Stevenson sa pamamagitan ng unanimous si Robson Conceicao.

Dominado ni Stevenson ang laban na ginanap sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.

Pinatumba pa ni Stevenson sa ikaapat na round ang kalaban subalit ito ay nakabangon.

Dahil sa panalo ay mayroong 19 panalo at wala pang talo si Stevenson habang si Conceicao ay mayroong 17 panalo, dalawang talo na mayroong walong knockout.

Mananatiling bakante naman ang WBC at WBO world super featherweight title dahil sa bigong maabot ni Stevenson ang itinakdang timbang para sa nasabing laban na 136 pounds limit.