-- Advertisements --

Naniniwala si Hall of Fame promoter Bob Arum na kayang lagpasan ni dating two-division champion Shakur Stevenson si retired five-division champion Floyd Mayweather Jr.

Si Stevenson kasi ay mayroong record na 19-0 na may siyam na knockouts.

Huling laban nito ng talunin si Robson Conceicao noong Disyembre.

Sinabi ni Arum na may talento si Stevenson na isang silver medalist noong 2016 Olympics.

Dagdag pa ni Arum na para mahigitan ang record ni Mayweather ay marami pang dadaanan ang isang boksingero.

Magugunitang nagretiro ang 45-anyos na si Mayweather na mayroong malinis na record na 50 panalo at walang talo na mayroong 27 knockouts.