-- Advertisements --

Matagumpay na na-accomodate ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mahigit 28 milyong Pilipino na nagsimula na sa unang step ng Philippine Identification System na magbibigay ng single ID card bilang valid proof of identity na maaaring gamitin sa mga government at pampribadong transaksyon.

Kasama sa nasabing datos ang nasa 17.3 milyong indibidwal na nag-sign up para sa PhilSys ngayong taon.

Sinimulan ng PSA ang PhilSys mass registration sa mga low-income Filipinos noong Oktubre ng nakaraang taon.

Sa Step 1 registration ng PhilSys ay kokolektahin ang demographic information ng isang indibidwal tulad ng full name, genderm, date at place of birth, blood type at address.

Sa Step 2 process naman isasagawa ang validation ng supporting documents at pagkuha sa biometric information.

Sa pamamagitan ng PhilSys ay layunin ng pamahalaan na i-promote ang ease of doing business kasabay nang pagtulong nito na i-identify ang bawat registered na inbididwal sa buong bansa.

Una nang tiniyak ng PSA na lahat ng impormasyon sa PhilSys registry ay mananatiling protektado at ligtas.

Sa oras na matapos nang gawin ang Steps 1 at 2, ay hihintayin na lang sa Step 3 ang pag-isyu ng ID card.

Ang PhilID, ay non-transferable card, na naglalaman ng lahat ng records na kinolekta at in-encode.