-- Advertisements --

Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na papayagan na ang staycation sa mga hotel na nasa general community quarantine (GCQ) areas.

Ayon sa kalihim, ang desisyong ito ng Inter-Agency Task Forcce for the Management of Emerging Infectious Diseases ay upang humanap ng iba pang paraan na unt-unting buksan ang tourism sector ng bansa sa kabila ng umiiral na community quarantine.

Ang sinomang magnanais na magbakasyon sa mga hotels ay kakailanganin ng minimum overnight stay sa mga DOT-accredited Accomodation Enterprise na malapit lamang sa tinitrahan nito.

Ibig sabihin, ang mga residente na nasa National Capital Region (NCR) ay maaari lamang mag-staycation sa loob ng NCR.

Isasali rin sa memorandum circular na ito ang mga patakaran na ipapatupad sa lahat ng aspeto lalo na kung mayroong aktibidad mula sa maximum na bilang ng mga bisita na papayagan sa loob ng guestroom.Kasama na rito ang mga ancillary services tulad ng restaurants at recreational areas.

Pinalawig na rin ng IATF ang bilang ng mga bisita na papayagan sa hotels bilang parte naman ng kanilang “markets of specialized programs.”

Paliwanag ni Puyat, nakatuon ang kanilang proyekto sa mga specific target markets na may malaking maiaambag sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng turismo.

Hanggang Setyembre 30 ay nasa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Batangas at Tacloban City.