-- Advertisements --

Kinansela ng Department of Tourism (DoT) ang mga staycations sa mga hotels sa National Capital Region (NCR) Plus ngayong Holy Week dahil sa paglalagay sa lugar sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni DoT Secretary Beradette Romulo-Puyat na naglabas na ito ng interim operational guidelines sa mga DOT-accredited hotels at ilang mga accomodatin establishments kasunod ng pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang Abril 4.

Sa nasabing advisory na bawal na suspendido ang mga operasyon ng staycations sa mga hotel para sa mga bisita sa mga lugar na nasa illim ng ECQ.

Paglilinaw naman nito na ang mga nakapag-book na nitong Linggo bago ang pagpapatupad ng ECQ ay maaaring ipagpatuloy pa rin ang pananatili sa hotel basta wala ng bagong booking.

Papayagan naman ng mga hotel owners na magpa-rebook ang kanilang mga bisita dahil sa kanselasyon.

Nakasaad din sa advisroy na ang mga regular hotels sa ilalim ng ECQ at modified ECQ a maaaring mag-accomodate ng mga guest sa mga pang matagalang renta, locally stranded individuals at para sa mga authorized persons outside of residence.