-- Advertisements --

Inanusyo ni Califonia Gov. Gavin Newsom na ipatutupad na nito ang “statewide order” para sa halos 40 milyong residente ng naturang estado na manatili sa kanilang bahay dahil sa banta ng coronavirus pandemic.

Ang hakbang na ito ay bunsod na rin ng krisis na nararanasan ng California matapos mamatay ang 19 na katao habang nasa 1,000 katao naman ang nag-positibo sa naturang virus.

Sa ilalim ng kautusang ito ay papayagan pa rin ang mga Californians na magpunta sa gas stations, pharmacies, grocery stores, palengke, bangko at restaurants.

Maaaring umalis ang mga ito sa kanilang mga bahy kung kinakailangan nilang mag-alaga ng kamag-anak, kaibigan o di kaya naman ay para magpunta ng ospital.

Exempted naman mula rito ang 16 federal critical infrastructure sectors tulad ng food and agriculture industry, healthcare, transportation, energy industry, financial services at emergency response.

Nakiusap din si Newsom sa kaniyang mamamayan na obserbahan ang social distancing.

“We need to bend the curve in the state of California. There’s a social contract here. People, I think, recognize the need to do more. They will adjust and adapt as they have,” ani Newsom.

Hindi naman nagbigay si Newsom ng malinaw na timeframe kung hanggang kailan tatagal ang naturang stay at home order ngunit umaasa raw ito na sa pamamagitan ng ganitong paraan ay babagal ang pagkalat ng virus.

“This is a moment we need to make tough decisions. This is a moment where we need some straight talk and we need to tell people the truth,” dagdag pa ng gobernador.

Layunin din umano ng hakbang na ito ang maiwasan na mapuno ang mga ospital ng mga pasyente.

Inaasahan naman ng estado na aabot sa 25.5 milyong katao ang tatamaan ng coronavirus sa loob lamang ng walong linggo.